...napunta ako sa seminaryo. nagbabakasakaling ito ang magiging tuntungan ko sa pagtakas sa kahirapan.
inabutan ko si zaldy doon. pagkatapos ksai ng graduation, isinama na siya doon ng brother bong angob (pari na siya ngayon). sakto may handaan sa seminaryo sa msc sa e. rodriguez, q.c. nagbukas kami ng halos isang elf na soft drinks. naghakot ng mahigit walong raang monoblocs at table at pagkatapos niligpit din. ganito halos linggo linggo sa mcs. madami lagi bisita.
may sarili kaming quarters...quarters iyon ng mga working students. may inabutan ako doon na taga-pantabangan maliban kay zaldy, taga malbang. valedictorian syang nagtapos sa saint andrew's school (sas). sabi ni brother angob, siya ang tularan ko.
makalipas ang isang linggo, dala ko ang aking gamit, nagpaalam ako kay brother angob at kat fr. joey mission, uuwi ako sa probinsya at doon ko hahanapin ang aking kapalaran. wala silang nagawa kundi ang payagan ako.
nagpaalam ako kay zaldy, ang aking best friend.
habang nasa daan, pa-probinsya. nag-iisip ako ng sasabihin kay nanay. di kasi nya alam na ganito ang desisyon ko. pero talagang ganito ako, di ko kasi nililingon ang aking mga iniiwan.
imbis na deretso rizal mula cabanatuan, sa dyip pa-san jose ako sumakay. nadaanan ko ang clsu. ewan ko pero parang lukso ng dugo, (may lukso nga ba ng dugo para sa isang lugar) magaan ang dating sa akin ng clsu at sabi ko dito ko hahahanapin ang aking kapalaran.
di ko kabisado ang clsu, nadadaanan ko lang pag galing pantabangan, maghahatid kami ng gamit sa simbahan sa munoz. sabi lang sa aking ni father angob, eskuwelahan daw ito.
hunyo, naging late enrolee ako...sabay kaming nag-aral ni kuya nonoy...ayun nakita ko rin ang aking lugar.
...sundan ang karugtong
Monday, December 14, 2009
Sunday, December 13, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)