inaligata ko muli ang aking pinagmulan. susubukan kong idugtong ang mga pangyayari kung paano ako nakarating sa sa tinutungtungan ko ngayon...
un nga...
dalawang taon matapos akong iluwal sa ospital sa olongapo city, na dedo si tatay... sabi ni nanay sobrang sipag daw kasi.
prostrated engineer si tatay, tubong iriga, sa bicol, angkan ng ng Puso sa ina at dilla sa ama.
si nanay sa gulod, rizal, nueva ecija, angkan ng Justo at Jepa.
e di ayun, umuwi kami ng rizal matapos ang libing ni tatay.
di gaya ng dati, di na makapaglaro ng malaking manika si ate mila. wala na ring malaking armalite at robot si kuya. si ate neneng nagmukhang nanay namin. si ditse, tumbang preso na ang laro wala na ang tv na mala-box.
si sanse, laging taga-igib, taga walis at si kuya nonoy, palaging niloloko ng mga kapitbahay.
nangayat si nanay dahil sa paghahanap ng trabaho...hanggang isang umaga, sabi ni ate nasa tarlac si nanay, namasukan bilang katulong.
nadugtungan ang mga hikbi ko sa ampunan sa isang reception center sa maynila.. inoperahan si nanay noon sa goiter. anim na buwan kaming limang magkakapatid noon sa center. di kasama si ate at kuya, bantay sila ni nanay.
kinukulong ako sa comfort room pag umiiyak dahil hinahanap ko si nanay. tinitiis ko ang gutom sa pagaakalang pag di ako kumain, maaaawa sila at ililitaw si nanay. pinapalitan ko ng palahaw ang gutom dahil ito ang alam ko na magpapa uwi kay nanay. mali ako. nasa ospital pala sya.
di ko alam kung mabait ang pagkakataon o naging resourceful kami ni kuya nonoy. natuto kaming mangalap ng mga pwedeng ibenta. nililibot namin ang mga barangay ng rizal, ginigiba namin ang pader ng mga abandonadong bahay. mahal ang bakal.tanso, aluminyo at bote. pero lahat na halos ng bata natutu sa aming gawain..
kailangang umisip ng bagong mapagkakakitaan.
sa palengke...maraming pagkain sa palengke..pero wala kaming pera..hanggang isang araw natuto kaming sumalisi...dati goma ng tirador lang, nang lumaon pati panglaman sa tiyan.
...ayos may panglaman na naman sa tiyan...
....itutuloy... wait nyo sana
Thursday, November 5, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment