mga anak namin ni dyig, tawag ko sa dati kong katipan, na ina ng aking mga anak.
bilis nga araw, malapit na silang magdalaga. ung nasa taas ng pool si Ves Eva Revline, un nasa pool, si Verline Gaudene. natutuwa ako dahil, parehas silang may hilig sa pag-aaral. nagmana sila sa aming magasawa. mabuti naman bata pa lang sila, alam na nila ang value ng education. pero, pinaiintindi rin namin sa kanila na dapat di sila maging trabahador, dapat magtayo sila ng negosyo at tumulong sa pag create ng trabaho. oo, bata pa lang sila pinaiintindi na namin sa kanila ito. ito siguro ang maitutulong namin para sa susunod na mga taon, mabawasan ang walng trabaho sa ating baayan.
ganun pa man, palagi naming pinararamdam at ipinararanas ang pagigiging bata nila. binabalanse namin ito para maing balanse ang kanilang paglaki.
ang hirap pa lang maging ama. dami mong plano, pero alam mo namang di rin ito ang masusunod. lalaki ang mga bata at pipili ng mundo nila. pero sana kahit papaano, ma realize nila na dapat silang maging taga gawa ng trabaho at di manggagawa sa malalaking kumpanya ng dayuhan.
No comments:
Post a Comment